Friday, November 7, 2008
Sa aking paglilibot libot sa mundong ito( ng blog) diko naiwasang magtaas ng kilay... maningkit... magkunot noo.. mapamura... magtanong... magduda at madalas, mag-iwan ng puna... napapadpad ako at madalas tumambay sa mga blog na madalas bumili sa aking sobrang mahal na ngiti... sa mga humahalukay sa aking mala sinapay na mamasamasang kilikili... nagpapakabag sa aking kalamnan... sa mga kwentong nakakautot at mabaho pa sa singaw ng imburnal...at ganun din sa mga walang kwentang bagay...
Bakit nga ba ganun ang agos ng blogging... naiingit ako sa ibang mga blog na pinuputakti ng komento, puna, angas, epal at kung anu pa man ang tawag dun... kung tutuusin, wala lang... nagkwento ka lang ng walang kwentang bagay at katangahan.. medyo binahiran mu lang konting pautot... minantsahan ng konting yabang... sinahugan ng konting anghit.. may konting sago.. kasama na gulaman.. may kinudkod na yelo... pinatungan ng ayskrim at ube sa ibabaw.. presto!!! may halo-halong kwento ka na.. na sobrang mabenta...ganun pala ka benta ang mga blog na walang kwenta at nakakatawa... parang ice cream sa tag-araw o di kaya balot sa gabi.. o taho sa umaga.di mu na kailangang isigaw ang baloooooooot.. o di kaya tahoooooooooooooo...
Siguro napapakunot noo ka din kung bakit ko sinusulat ito.. wala lang kelangan ko din lang sabihin yung mga napupuna at nararamdaman ko dito sa blogging.. pero siryusli, parang ang hirap mag-ship ng tema... mula sa senti na sinulat.. mga di maintindihan na pakiramdam... at eto ako nagsusulat ng mga walang kwentang bagay na diko tiyak kung mala-pulot pukyutan din na dudumugin ng puna, angas, epal. puna at kung anu anu pa... wish ko lang sabi nga ni viki morales..
kabaliwan nga eh. ang hirap kumuha ng bwelo sa pagsusulat ng ibang tema
wag ka na mainggit sa kanila. hayaan mo, punuin natin lagi itong koment mo dito. hehe
uy salamat sa pagboto ha. lung hindi naman nakakahiya at nakakabala e.pwede bang everyday ang pagboto mo?
ahaha
minsan ko lang kakapalan muka kaya luluboslubusin ko na. toinkz!
Sa ngayon, tuloy ang blogging!
masarap mag-blog...mas gusto ko ito kaysa sa trabaho ko... blogging ang trabaho ko..gusto ko lng manggulo at ako mismo ay nahihilo sa sinasabi ko, sigurado ako dadami ang komento mo...
nice post... ^_^...
hahaha.. uu nman rj.. sige sabihin mo lang para makaepal kami.
we write to express and not to impress.
yan ang tinatandaan ko sa lahat ng sinusulat ko. la lang. Hope this helps.
namatay ang blog ko.. pero nung nagbalik-loob ako... sinulat ko lng ang gusto ko... wala ako pakialam kung may magbasa o wala... basta nakapagsulat ako ng ayon sa gusto ko... at dun ako tinanggap ng readers ko (kung meron man)
@vhonne.hindi nman sa nakikiuso ako. bahagi na din siguru yun ng pagsusulat...madaming epal, madaming bumasa.. ganun lang siguro(sa tingin ko lang) bagito nga ehun lang siguro yung interpretations ko by the way, bagito is open for correction kaya salamat sa payo
yeah na-addik den akoh d2 sa mundong blogging.. gaya nang isang komento d2... mas masaya pah sa work... true...hehe... kaya nga kanina tamad na tamad akoh sa work eh... lol..
baguhan den akoh... mahigit one week pa lang atah... kaya nga sabi nilah nasa stage one pa nang blogging... kaya sobrang addik...
eto oh... tignan moh... dinumog ka ren nang maraming fans moh... hehe...
wow i like wat gillboard said... "we write to express and not to impress"... nice.. makadaan nga ren sa kanyah... maya maya siguro...
akoh nga.. puro nonsense den atah eh..
gaya nang comment kong to... like ronz said: "itz not about d' lenght itz about d' content".. akoh baliktad.. puro lenght pero no content.. hehe...
sige.. happy blogging!
GODBLESS! -di
golden rule yan ng blogging. When i started blogging actually, hinatak lang ako ng walang kwenta kong opis mate. Wala akong kakilala, isa lang, opis meyt ko lang. I started writing na hindi iniisip kung may magbabasa man o wala. Ganun naman talaga dapat.
Although marami ng sikat na mga blogs, e yun ay dahil matagal at inaagnas na sila sa mundong ginagalawan natin dito sa blogsperyo. Sa sobrang tagal (mga taon na) e madami ng nakakilala sa kanila at madami ng naging kaibigan na regular ng pumupunta sa site nila. ganun lang yun. dahil don, hindi na nila kailangang mag promote kasi marami n silang kilala. di ba?
Basta ang importante, kung ano man ang isusulat mo e ikaw ang responsable dun. Ganun lang.
at isa pa, napansin ko lang na mas maraming nakakakilala sa mga bloggers na mabait at hindi mabigat ang pagbla-blog.
at kung paanong friendly e hindi ko alam. hehe..Pansinin mo.. marami akong alam na blogs na puro kaartehan, trying hard inglish, at akala mo kung sino umasta. la lang. napansin ko lang pero kanya kanyang blog lang yan. makikita mo naman kung bebenta ka o hindi e.
basta ang motto; bumenta man o hinde, tuloy lang sa makulay na mundo ng blogsperyo. ganun.
takte, ang haba neto ah! dami pa sana kaso gagawin ko na lang post sa blog ko! hahahaha
o fine, ang haba rin ng comment ko~ shet. hahahahaha! hug hug! :)
naks... haba nang post ni ronz nd bloom ahhh... bihira yan... nagsasabi lang yan na kahit baguhan ka lang... special kah nah =)
GODBLESS! -di
Parekoy, uunahan nakita, about dun sa post ko na sagot sa post mo dito.
Hindi ikaw ang topic ko, baka kasi mamisinterpret mo parekoy. Kinuha ko lang na excerpt yung sinulat mo to give them an exampol. hehehe... maganda kasing halimbawa yung mga sinabi mo.
no offense yun. P happy blogging!
*****
Dhianz: ayos a... sinabi talaga! hahahahahaha
kung nagboblog ka para may outlet ka sa mga nararamdaman at naiisip mo, so be it. getting comments from other people is a great consolation.
but if you want to make name and share fame in the blogsphere, think again. :)
nice insight. just a thought, you ain't see nothing yet. *winks*
ok lang ba na magpress release din ako? pakiramdam ko kase nanahimik ang mundo ni bagito sa nagdaang mga araw eh. makikigulo lang at makikihati sa popularidad mo
wala akong pakiramdam pareko. manhid to. made in china
yaan mo, magrerelease ako ng statement one of this days.lolz
ang pagbablog para sa akin ay isang paraan para masabi mo ang lahat ng bagay na gusto mong sabihin. pag-amin sa mga dapat aminin..
kasabay na pangangalap ng payo... at siguro sa paraan ng pagkokomento ng readers mo yun makukuha.
wala nman yata akong sinabi na gustu kong sumikat sa blogsphere. iba yata kase ang pagkaintindi mo sa sinulat ko.. pero basahin mo nalang mabuti yung post ko then tignan nyu kung gaanu kagaan yung sinulat ko.. its all about how i feel.. di ba? wala... yun lang!
i am talking to bloggers in general. :)
ahhh salamat nman akala ko kase ako lang ang itinuturo mo eh.. buti nman tayong lahat kasama.
sa totoo lang, tama ang sinabi nila. we write to express not to impress. kasi kung ganun lang din ang labanan, dapat nag pabayad na tayo tuwing may maiimpress tayong readers. ganyan din ako nung una. ang basehan ko sa mga entry ko noon ay ang mga comments. na didisapoint ako kapag walang comment ang entry ko nuon. feeling ko pangit at nonsense. kaya naging mas mapanghangad ako sa pag susulat, kaya napagod ako. natutunan ko ngayon na hindi dapat base sa iba ang isusulat ko, maaring kumuha ng insperasyon pero ang bawat salita at kuwento ay dapat galing sa puso. nai share ko lang. wala lang.
kaya di tayo dapat mabahala ke emo tas biglang katatawanan tas biglang hb mode ang posts, wala namang pattern na dapat sundan. katulad ng damdamin natin, random din ang maisusulat natin.
isang mapagpalayang umaga kaibigan :)
waw may bago kase akong account sa blogspt kaya gumagala.
paad ng links.. thanks
linked you nga pla... :)
parang nakagawa narin si ron ng entry dun sa comment nya.. hehe!
natagpuan ko pala ang blog mo habang nagblog hopping ako..kagagaling ko lang sa 'bahay' ni Ronturon :D
in fairview, si Ron (feeling close kami, hehe0 muntik ng gumawa ng sarili nyang entry sa comment box mo, hahaha!
PEACE RON!
pero gawa ng nakasulat sa header mo... under construction itong blog mo.. cge.. babalik ulit kami...
o kya lucky instant mami sa walang tulugang editing, ganun talaga ang blogging. hehe masaya pa.
ako naman pilit kong nire-revive kahit flat line na. haha. tagal ko ding nahinto e.
la lang.. nabisita lang...