Friday, November 7, 2008

Buhay Blogging

Sa aking paglilibot libot sa mundong ito( ng blog) diko naiwasang magtaas ng kilay... maningkit... magkunot noo.. mapamura... magtanong... magduda at madalas, mag-iwan ng puna... napapadpad ako at madalas tumambay sa mga blog na madalas bumili sa aking sobrang mahal na ngiti... sa mga humahalukay sa aking mala sinapay na mamasamasang kilikili... nagpapakabag sa aking kalamnan... sa mga kwentong nakakautot at mabaho pa sa singaw ng imburnal...at ganun din sa mga walang kwentang bagay...

Bakit nga ba ganun ang agos ng blogging... naiingit ako sa ibang mga blog na pinuputakti ng komento, puna, angas, epal at kung anu pa man ang tawag dun... kung tutuusin, wala lang... nagkwento ka lang ng walang kwentang bagay at katangahan.. medyo binahiran mu lang konting pautot... minantsahan ng konting yabang... sinahugan ng konting anghit.. may konting sago.. kasama na gulaman.. may kinudkod na yelo... pinatungan ng ayskrim at ube sa ibabaw.. presto!!! may halo-halong kwento ka na.. na sobrang mabenta...ganun pala ka benta ang mga blog na walang kwenta at nakakatawa... parang ice cream sa tag-araw o di kaya balot sa gabi.. o taho sa umaga.di mu na kailangang isigaw ang baloooooooot.. o di kaya tahoooooooooooooo...

Siguro napapakunot noo ka din kung bakit ko sinusulat ito.. wala lang kelangan ko din lang sabihin yung mga napupuna at nararamdaman ko dito sa blogging.. pero siryusli, parang ang hirap mag-ship ng tema... mula sa senti na sinulat.. mga di maintindihan na pakiramdam... at eto ako nagsusulat ng mga walang kwentang bagay na diko tiyak kung mala-pulot pukyutan din na dudumugin ng puna, angas, epal. puna at kung anu anu pa... wish ko lang sabi nga ni viki morales..

Masaya ang blogging... diko inaasahan na ganun ka kulit at kagulo.. sobrang "cool" malasardinas na nakasiksik sa loob ng lata... abot kamay ang bawat blogger...parang isang regalo na magugulat at masusurprays ka nalang sa kung anong laman ang iyung masisilayan..

 

blogger templates | Make Money Online